Isang daan upang umusbong ang karangyaan. Isang paraan upang umunlad. Isang hangaring nakamit ng bawat isa. Isang pagpapakita ng karangalan sa ating
bansa. WIKA: ang siyang ating tinutuligsa at pinanindigan
mula noon hanggang ngayon.
Hinangad
ng karamihan noon ang kalayaan na siyang tinatamasa natin ngayon. Dugo't pawis
ang naibigay sa mamamayan upang mapalaya ang karamihan. Nais ng mga
napapahirapang Pilipino sa nakaraan na ipaglaban ang karapatang makagawa ng
tama sa pinapakitang kamalian ng mga dayuhan. Nagbuwis ng buhay ang mga
karamihan kung kaya't tinawag silang mga bayani ng bayan. Ang iba ay hindi
lumaban ngunit ginamit ang katalinuhan upang makagawa ng maganda sa lipunan.
Ngunit WIKA ang nagging
daan kung bakit ang lahat ay nagkakaisa. Nakipaglaban tungo sa iisang layunin: Ang mapalaya sa
pagiging dayuhan sa ating bansa.
(photo not mine) |
Ang Wikang Filipino
ang siyang naging etika ng pagkakaisa. Sumisimbolo ito sa pagiging
maka-Pilipino at basehan na tayo’y mga Pilipino. Minsan nga’y hindi ito
nagagamit dahil sa impluwensiya ng ibang bansa. Minsan ay nagiging mali ang
tunguhin kung hindi nabibigyang diin.
Mas lalo itong
mapapahalagahan kung ang wikang Filipino ay mapapabuti muli at mabigyang buhay.
Ang mithiin at adhikaing pagkakaisa ay muling pausbungin gamit ang iisang wika.